Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

Itsinismis na Reggie Regalado lang siya pero daks ang kanyang younger brod!

$
0
0

UNCUT ni Alex Brosas

NA-BACH ang alalay ni Maine Something na si Rams Something dahil sa latest statement nito.

“Wala siyang boyfriend. Marami, mga suitors.”

‘Yan ang say ni Rams which didn’t sit well sa ilang AlDub fans who took turns in YAKKING against him.

“Naku magtago na si ateng Rams susugurin na sya ng ADN. Ayoko ng maki-alam baka topakin na naman si Madam at mag OL na naman.. char! Baket naman kasi nag comment pa? K bye!”

“Bat ngaun ka lang nagsalita? bt hndi ka lumabas ng sirang sira pgkatao ni Maine? Nagsalita ikakasira p lalo ng AD.”

“So Mr Rams, does it mean your management doesn’t have plans/projects for ALDUB? Coz your statement isn’t helping the love team.”

“Ah so confirmed na kaya pala ganun ang mga kilos nila sa EB. It’s as if obsolete na ang ALDUB, they’ve discarded the LT. Even sa SPS, mga fliptop battle segment topics nila during OL days, nananadya talaga sila.”

“RAMSDAVIDISABIGLIARWALANGMANINIWALASAIYO 2017BUGBOGSARADOSABASHERS,HATERSBN,MULATS ALDUBMR&MRSFAULKERSONJRHINDIMOIPINAGTANG GOLMGRKACOZYOUAREALSOABASHER,HATEROF ALDUBBIGFISHFINANCIERNGBASHERS,HATERSKAYA SINABINIYANAKONSENSYASIRAMSDAVIDNATA KOTSABADKARMA.”

‘Yan ang mga hanash against Rams. Any comment, Rams?

***

MAGTATAPOS na next week ang La Luna Sangre at pahulaan kung ano ang mangyayari sa character ni Kathryn Bernardo na gumanap na Miyo at Malia.

May nagtanong kay Kathryn kung siya ba ang magiging si Jacintha Magsaysay, ang ginampanang character ni Angel Locsin na nagbalik sa teleserye.

Amused, Kathryn said, “I really appreciate it, na ‘yung mga fans especially ng “Lobo”’ and “Imortal” (ay) talagang inaaral nila ‘yung bawat character, from the Moonchasers, to Prof T, to LLU (La Liga Unida), gano’n sila ka-hands on.

“Nanonood kasi ako sa TFC (The Filipino Channel), ta’s nakikita ko ‘yung comments nila, na parang ako, ‘Oh my God, ang galing ng mga fans.’ Ang dami nilang questions, ang dami nilang theory na OK, ang galing nila manghula.”

Patindi na nga nang patindi ang tensyon gabi-gabi matapos matuklasan ni Sandrino ang pagtataksil ni Tristan at pakikipagtulungan pa nito kay Malia. Agad niyang binuweltahan si Tristan at sinaktan ang kapatid nitong si Apple (Maymay Entrata). Hindi naman natakot si Tristan at kumpyansang magagapi nito ang kapatid, lalo pa at katuwang niya sa laban ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Maging sapat kaya ang kanilang pag-ibig at paninindigan para sila ay magtagumpay?

Simula’t sapul pag-ibig na ang naging sandata ni Malia para magampanan ang kanyang tungkulin bilang bagong itinakda. Hindi siya kailanman sumuko para protektahan ang kanyang mga kauri at makamit na ang inaasam na kapayapaan. Maging ang tadhana ay nagawa niyang hamunin sa ngalan ng kanyang pag-ibig kay Tristan.

***

IBA rin pala malasing ang isang hunk actor. Pati secret ng kanyang kapatid ay kanyang ibinibisto.

After the taping kasi ay nag-inuman ang ilang crew kasama ang director at isang actor. Game na game sa drinking session ang actor, wala talaga siyang inaayawang tagay. Nasa mood siyang uminom kaya naman enjoy na enjoy siyang kasama ng kanyang drinking buddies ng gabing iyon.

Siyempre, since inuman, maraming topics ang napag-uusapan. Napunta ang discussion sa kanyang kargada. Walang takot na ibinulgar ng actor na siya ay reggie regalado (regular) lang.

And since lasing na, he divulged na totoy mola ang younger brother niya.

Naloka ang director na kainuman niya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>