Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59449

Aiko, proud na proud sa pelikula nila noon ni Aga

$
0
0

SA kanyang social media account, walang pagsidlan sa tuwa ang magaling na aktres na si Aiko Melendez na mas kilala bilang si Maria Emilia Melendez sa social media dahil na-restore digitally ang kanilang pelikula noon ni Aga Muhlach na ang titulo ay “May Minamahal” under Star Cinema. Proud na proud si Aiko sa kanyang pelikula with Aga.

Kung hindi ako nagkakamali, 1993 nang gawin nina Aiko at Aga ang naturang pelikula. Kasagsagan ng kasikatan ni Aiko at si Aga naman ay ito yung mga panahon na nagbabalik siya sa limelight after ng kasikatan niya sa pelikulang “Bagets”.

At mukhang magkakaroon pa yata ng premiere night ang pelikulang ito.

Nakatutuwa naman dahil ang mga lumang pelikula ay sa cable tv stations na lang natin napanonood pero salamat sa teknolohiya, puwedeng gawing bago ang lumang pelikula na pati quality ay iniaangat kaya puwedeng-puwede pa rin nating panoorin at nakasusunod sila sa digital era.

Dito rin sa pelikulang ito nalaman ng publiko na hindi lang pa-tweetums ang kayang gawin ni Aiko. Kaya na rin niyang mag-drama at ito ang hudyat sa pagkakabilang ni Aiko sa helera ng mga magagaling ng artista.

Hanggang ngayon, ang galing ni Aiko ay hindi humuhupa bagkus, tuluyan na talaga siyang nahehelera sa mga magagaling at premyadong aktres sa kasalukuyan.

***

Mula sa napakaraming nag-auditone, nakapili na ng 40 ang Bb. Pilipinas Charities Inc. as their official candidates sa Bb. Pilipinas 2018. Here they are: Muriel Adrienne Orais,Stephanie Joy Abellanida,Ena Velasco, Agatha Romero, Sarah Margarette Joson, Loren Artajos, Ana Patricia Asturias, Juliana Kapeundl, Michele Theresa Gumabao, Karen Gallman, Sigrid Grace Flores, Ma. Athisa Manalo, Trixia Maraña, Shane Tormes, Anjame Magbitang, Eva Patalinjug, Sandra Lemonon, Samantha Avestruz, Angelie Aubrey Asuncion, Katherine Ventura, Kayesha Chua, Rose Murphy, Samantha Mae Bernardo, Wynonah Buot, Maria Andrea “Aya” Abesamis, Annaliza Vizcarra, Patrizia Garcia, Catriona Gray.

Pasok din sina Rose Antonette Mendoza, Jehza Huelar, Vickie Rushton, Henna Kaizelle Cajandig, Janette Roanne Sturm, Jerrelleen Rodriguez,Janice Roman, Sophia Baino, Edjelyn Gamboa, Kristie Rose “Istie” Cequeña, Angelica Mae Corbe at Mary Joy “MJ” de Castro.

Grand Coronation Night will be on March 18 at Smar Araneta Coliseum. Goodluck, Ladies! TIMMYDORA/Timmy Basil


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59449

Trending Articles


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


8-anyos na nene ginahasa ni tatay


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


‘Kalye Demonyo’ sa Bulacan nilusob, 2 tulak lagas


Tubig-baha lalong tumaas sa ilang areas sa Makati City


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Tula Tungkol sa Bagyo


Mga kasabihan at paliwanag


KANTUTAN


KANTUTAN


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


Dalagita nabuntis sa panggagahasa ng amain


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Tata Selo


SAPUPO


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>