Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

Tabloid photog tinadyakan ng NatGeo photog

$
0
0

NAKATIKIM ng tulak at tadyak ang photographer ng Abante mula sa foreign photographer ng National Geographic (NatGeo) habang nasa kasagsagan ng coverage ng pagdurog ng mga kumpiskadong elephant trunks ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaninang umaga.

Sa kabila ng inabot na tadyak at tulak ni Arturo Son mula kay Brent Stirton ay nagmalaki pa ito dahil siya ang nasasaging una habang nagkokober ng elephant trunks destruction kaya wala aniya siyang dapat ihingi ng paumanhin.

Kinondena naman ng iba pang photographers na dumalo sa naturang okasyon ang Public Affairs Office (PAO) ng DENR dahil sa kawalan ng aksyon sa insidente kung saan ay sinisi pa si Son na baka siya  pa ang nakasagi kaya siya itinulak at sinipa.

“Kahit sabihin natin na nasagi o nabangga siya ni Art, hindi tama yung itulak niya at tadyakan yung katabi niyang photographer, para kasing kinakampihan pa ng DENR,” ayon naman sa isang photographer.

Sa naturang insidente, nagtamo si Son ng gasgas sa braso at iniinda ang likuran dahil sa ginawang pagtulak at pananadyak sa kanya ni Stirton.

“Ang gusto ko lang naman humingi siya ng paumanhin kaya ipaghaharap ko na lang siya ng kasong slight physical injury kasi talagang sinadya niya yung pagtulak at pagsipa sa akin,” ayon pa kay Son.

The post Tabloid photog tinadyakan ng NatGeo photog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>