Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

Lalaki kulong sa tinangay na tablet

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki matapos tangayin ang naka-charge na tablet sa binibilhang tindahan sa Caloocan City Huwebes ng umaga, Hunyo 20.

Kinilala ang suspek na si Michael Luna, 32 ng Northville 2, Bagumbong ng lungsod.

Sa  ulat, alas-11:30 ng umaga, bumili ng gatas ang suspek sa tindahan ni Isidro Monforte, 56 at kalugar ni Luna.

Nang tumalikod ang biktima ay sinikwat ng suspek ang naka-charge na tablet at mabilis na tumakas.

Nang iaabot na ng biktima ang binibili ng suspek ay wala na ang huli hanggang sa mapansin ng una na wala na rin ang naka-charge na tablet na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Hinanap ng mga pulis ang suspek at nang makita ay dinakip at nabawi ang tablet  ng biktima.

The post Lalaki kulong sa tinangay na tablet appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>