Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58503

BILLIARDS AT BOWLING NAMAN

$
0
0

intonKATATAPOS lang ng game 6 ng NBA finals. Naging mainit ang laban at dahil tabla ang Spurs at Heat sa nakaraang anim na laro, may game 7 pa sa isang araw para madeklara ang kampeon.

Tumutok ang mga Pinoy sa buong mundo. Sa FB at sa Twitter, sobrang naging active ang mga netizen sa pag-post ng mga komento at mga encouragement.

Kahit tuloy hindi ka manood ng laro mismo, malalaman mo ang blow by blow account ng laban dahil sa blow by blow update sa FB at sa Twitter.

Sobrang big fan talaga tayo ng basketball.

Dalawang kolum na natin pinag-uusapan ang sports na dapat sana ay mas tinututukan nating mga Pinoy para magkaroon naman tayo ng gintong medalya sa Olympics.

Obviously, hindi sa basketball kasi kahit gaano natin kamahal ang sports na ito ay malayo pa rin tayo sa top world ranking.

Kaya nga dapat ay pumili tayo ng sports na magaling tayo at suportahan natin ito para kahit manawari ay makakuha tayo ng gold medal para sa anomang sports na makapagdadala ng karangalan sa bansa.

Ang dalawang sports na pwede talaga tayong mamayagpag ay billiards/pool at bowling. Pag nag-check ka ng mga laban ng billiards sa mundo, siguradong may Pi-noy na naglalaro, nananalo at nangunguna.

Kung maaalala natin, si Paeng Nepomuceno at si Bong Coo ang nagpasikat sa Pilipinas dahil sa bowling. Pero ang malungkot ay wala sa Olympics ang dalawang sports na ito.

Napakaraming lobby ang ginaganap para masama sa Olympics ang billiards at bowling. May nagsasagawa pa ng signature campaign para ma-consider nga ang dalawang sports na ito.

Isipin na lang kung Olympic sports ito, eh sigurado sikat ang Pinoy at magkakaroon na tayo ng Olympic gold.

Sana ay tinututukan din ng Philippine Sports Com-mission ang pag-lobby na maisama nga ang billiards at bowling sa Olympics.

Ang beach volleyball nga, dati hobby lang at past time lang sa beach, ngayon ay Olympic games na. Sana naman.

The post BILLIARDS AT BOWLING NAMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58503

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>