Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

SABLAYAN PENAL COLONY SABLAY: PRESO NAPATAY

$
0
0

pakurotISANG malalimang imbestigasyon ang dapat isagawa ng Department of Justice sa pamumuno ni Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa pagkamatay o pagpatay sa isang preso na itinuturing na VIP sa Sablayan Prison and Penal Colony sa Occidental Mindoro noong Hunyo 12.

Ayon sa mensaheng natanggap ng Pakurot, hindi sa loob ng kulungan napatay si Ronald Ho na lulan ng isang big bike kasama ang kanyang tatlong jail escort at pribadong bodyguard kundi sa labas na ng compound ng kulungan matapos itong lumabas upang umano’y magbayad ng materyales dahil may ipinagagawa itong gusali sa nasabing lugar.

Isa umanong babae na may mga kasamang lalaki ang bumaril kay Ho na dating nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa na tulad ng Sablayan Penal Colony ay nasa ilalim din ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng pamumuno ng Officer in Charge nito na si Ret.
Gen. Franklin Bucayu.

Itong si Ho ay dating bata-bata ng isang alias Wek-wek, isa ring preso ng BuCor na ipinalipat sa Sablayan Prison and Penal Farm. Dahil may kakayahang magbayad, nagagawa ni Ho na maglabas-masok sa kulungan bagama’t sentensiyado ito.

Kaya nga malaking pananagutan ng BuCor at DoJ ang pagkamatay ni Ho sa labas ng kulungan. Kailangang maging maayos ang pagpapaliwanag sa kasong ito upang hindi masira ang tiwala ng tao sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Benigno Aquino.

Mahigpit ang bilin ni Pangulong Noynoy sa kanyang mga opisyal na ipatupad ang transparency at disiplina sa mga taong gobyerno subalit dahil sa pagiging sugapa sa salapi, nagagawa ng mga nakaupong opisyal na ipag-palit ang kanilang dangal sa kislap at taginting ng pera.

Kailangang may managot sa pagkamatay ni Ho sa labas ng kulungan. Kailangang malinis ni De Lima ang kanyang pangalan kaugnay sa paglabas-labas ng ilang ma-yayamang preso mula sa kanilang kulungan. Kapag ‘di nangyari ito, ‘di mawawala sa isipan ng bayan na ang mga nakapuwesto sa gobyerno ay ‘di kayang sumunod sa “Tuwid na Daan.”

The post SABLAYAN PENAL COLONY SABLAY: PRESO NAPATAY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>