Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59779

Jazz tinalo ang Clippers; uusad na sa West semis

$
0
0

PINASADSAD ng Utah Jazz ang Los Angeles Clippers sa iskor na 104-91, sa Game 7 kaninang umaga para umusad sa second round ng NBA playoffs.

Nanguna sa opensa ng Jazz sina Gordon Hayward na may 26 puntos habang sina George Hill at Derrick Favors ay kapwa nakapagbuslo ng tig-17 points.

Ito ang unang postseason victory ng Utah mula noong 2010.

Makakaharap ng Jazz sa second round ang powerhouse team na Golden State Warriors sa Game 1 simula sa Huwebes.

Kung maaalala, namayani ang Warriors sa pag-sweep, 4-0, sa first-round playoff laban sa Trail Blazers sa Western Conference.

Sa resulta ng naging laro kanina ng Clippers, ito na ang ikalawang sunod na taon na nagbakasyon sa first round.

Sa dalawang NBA playoffs, hindi na naman nakatapos si Blake Griffin dahil sa injuries.

Nasayang din ang diskarte ni DeAndre Jordan na may 24 points, 17 rebounds sa kanyang ika-pitong double-double sa serye para sa Clippers.
Mula naman sa bench, umeksena si Jamal Crawford at umiskor ng 20 points habang si Chris Paul ay nakapag-ambag ng 13 points.

Minalas pa si Paul at hindi man lamang naka-iskor sa fourth quarter at sa halip ay tatlong assists ang naitulong.

Samantala, agaw-atensyon naman ang panonood sa courtside ng mga pop superstars na sina Beyonce at Jay Z. BOBBY TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59779

Trending Articles


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTOT


2 court employees, dedbol sa ambush


8-anyos ginahasa ng manyak na binata


Factory worker nanlaban sa holdap patay


Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas


Sa Lupa ng Sariling Bayan


ANDRES BONIFACIO, Buhay at Gawa--Isang Interpretasyon at Pagpapahalaga ni E....


IYOT


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


DUTERTE'S LOGOMACHIA: LES DAMNES DE LA TERRE STRIKES BACK


Negosyante, nahulihan ng shabu sa hotel


Lola pinatay saka pinagnakawan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


DIPLOMASYA


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Anak ginahasa ng sariling tatay