TAPOS na sigurong isyuting ang Cinemalaya 2017 entry na Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa, batay sa publicity pictures ng pelikula na natutunghayan namin sa social media.
Mula sa panulat at direksyon ni Perry Escano, ang pelikula ay tungkol sa mga bata na ginagawang rebelde pero unti-unting mamumulat na ninanakaw ng pagiging batang kawal nila ang pagkakataon nilang mag-aral bilang mga bata.
Ayon pa rin sa mga nababasa naming kuntil-butil na publicity tungkol sa pelikula, tungkol din ito sa isang mangmang na magsasaka na magpapanggap na guro dahil lang sa matindi n’yang paniniwala na napakahalaga nang paghawak ng mga bata ng mga aklat at di dapat ipagpalit sa paghawak ng baril.
Hindi pa namin alam (dahil wala ito sa early publicity ng pelikula) kung ang papel ng huwad na guro na yon ang ginagampanan ng magiting na actor-Quezon City Congressman Alfred Vargas.
Baka siya ang totoong magsasaka pero pekeng guro o baka hindi siya.
Nabasa naming nasa cast din ng pelikula si Mon Confiado, at parang kayang-kaya rin namang gumanap ni Confiado na farmer na nagpa-panggap na teacher.
Tatlo sa gumaganap na mga batang kawal ay sina Mark Justin Alvarez, Miggs Cuaderno, at Micko Laurente na di na muna siguro makakabalik sa pagganap sa teatro dahil mukhang in-demand na in-demand siyang gumanap sa indie films.
Sa mga musikal ng Tanghalang Pilipino namin siya napapanood.
At ang isa ru’n ay ang Kleptomaniacs, kung saan second lead siya kay Nicco Manalo, ang anak ng mayaman nang kumedyanteng si Jose Manalo ng masasabi ng legendary noontime show na Eat Bulaga.
Sa Agosto pa naman ang Cinemalaya pero parang nakababahala na walang sumisingaw, sumisingit na balita kung nagsyusyuting na ang Ang Pamilyang Di Lumuluha, ang entry ni Sharon Cuneta na siya rin mismo ang prodyuser.
Ni wala pa ngang napapabalitang iba pang gaganap sa pelikula na ididirek ni Mes de Guzman batay sa sarili n’yang iskrip.
Actually, kung well-funded naman ang isang Cinemalaya entry at kung in-doors naman halos ang buong pelikula, parang okey lang naman kung sa Mayo o sa Hunyo pa sila magsyuting.
Parang may sapat na panahon pa rin para i-post-production ang pelikula.
Bukod sa nabalitaan namin na tapos na ang syuting ng Ang Guro sa kung saan mang kagubatan sa Metro Manila, ang isa pang naiulat na namin dito na tapos nang kunan na Cinemalaya 2017 entry ay ang Nabubulok, sa direksyon ni Sonny Calvento, anak ng sikat na journalist na si Tony Calvento.
Oo nga pala, kahit na sa mga kagubatan na nasa Metro Manila o sa malapit du’n kinunan ang Ang Guro, ang istorya nito ay batay sa mga tunay na pangyayari sa isang probinsya sa Mindanao.
Katotohanan po, hindi mapantasyang teleserye ang Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa.
Totoo pong sa ilang malalayong bayan di lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay may mga nakalalusot na mga guro na di marunong magbasa.
Di po yon kahiwagaan kundi isang pusakal na anomalya.
* * *
Speaking of child actors, alam n’yo bang ang dating child actor na si Kristoffer de Venecia ay ilang taon na ring theater director?
Actually, naging theater actor muna si Toff sa Ateneo de Manila bago siya naging director.
Naging miyembro siya ng The Blue Repertory ng Ateneo, kung saan siya nagtapos ng college, at na-involve din siya later sa iba’t ibang professional theater companies, gaya ng Nine Works.
Nagdiriwang ang Ateneo Blue Rep ng ika-25 taon nito at bilang bahagi ng pagdiriwang ay magdaraos sila ng special concert na binansagang “Company Call: blueREP at 25” at si Toff ang magdidirek nito. At dahil malaking pagtatanghal ang special concert na yon, sa Cine Adarna ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City ito gaganapin sa Abril 8.
Dalawang pagtatanghal ang idaraos: 3pm at 8pm.
Ang ipalalabas ay excerpts sa istilong concert ng mga produksyon ng Blue Rep sa loob ng 25 taon. Musicals ang espesyalidad ng Blue Rep at kabilang sa mga naitanghal na nila ay ang Pippin (1991), The Wiz (1992), Godspell (1993), Once on this Island (2001), Into the Woods (2002), Merrily We Role Along (2004), Footloose (2004), Stages of Love (2006), 25th Annual Putnam County Spelling Bee (2007), High School Musical: Live (2007), All Shook Up (2008), Tick… Tick… Boom! (2009), Side Show (2010), Hair (2011), Little Shop of Horrors (2011), 13 (2012), Bare: A Pop Opera (2012), A New Brain (2013), Spring Awakening (2013), Toilet: The Musical (2014), and In the Heights (2015).
Ang ilan sa magpe-perform ay aktibung-aktibo na sa professional theater companies, gaya nina Nelsito Gomez, Bibo Reyes, EJ Yatco, Abi Sulit, Alys Serdenia, Amos Francia, Arion Sanchez, Boo Gabunada, Bym Buhain, Carelle Mangaliag, Charmie Inigo, Derrick Fuentes, Franco Ramos, Gab Medina, Gab Pangilinan, Gabbi Campomanes, Gabs Santos, Ian Hermogenes, Jade Albert, Jill Pena, Jim Ferrer, JQ Quesada, Juancho Escoto, KC Kane, Kyla Rivera, Lara Antonio, LJ Galvez, Luis Marcelo, Mahar Mangahas, Mako Alonso, Maronne Cruz, Mian Dimacali, Meg Yatco, Melje Belvis, Moira Lozada, Nelsito Gomez, Nica Del Rosario, Oli del Rosario, Pauline Gaerlan, Red Concepcion, Rolls Pagunsanan, RR Herrera, Tricia Torres, at Victor Robinson III.
Tickets will cost P500, P600 or P700 each. For ticket inquiries, please contact Alex Bay at 09175201998.
You may also visit Ateneo Blue Repertory’s official website:http://www.bluerepertory.org. Connect to Ateneo Blue Repertory online through the following social media networks: www.facebook.com/blueREPERTORY; Twitter:@_blueREPERTORY;Instagram: @blueREPERTORY. SHOWBYTES /DANNY VIBAS