DINALA sa pagamutan kagabi ang komedyante na si Boobay o Norman Balbuena sa tunay na buhay matapos atakihin ng stroke.
Ayon sa partner nitong si Kent Juan Resquir, maayos na ang kalagayan ng komedyante matapos i-admit sa intensive care unit (ICU) ng hindi na tinukoy na pagamutan.
Stable na umano ang vital signs ni Balbuena maliban lang sa nauutal na pagsasalita nito.
Nananatili sa Acute Stroke Care si Boobay para sa patuloy na obserbasyon ng kalusugan nito.
Patuloy naman ang paghingi ng mga panalangin para sa tuluyang paggaling nito.
Si Boobay ay isa sa mga home-grown talent ng GMA Network at napabilang sa maraming shows ng istasyon. MARJORIE DACORO