THOU shall not bear false witness against thy neighbor.
Ito marahil ang pinakanilabag sa mga Ten Commandment ngayong eleksyon … bearing false witness.
Ipinagmamalaki pa naman natin na Catholic country tayo.
Tapos, ganito karumi ang pulitika sa atin?
Bakit ba kailangan pang humantong sa ganito ang kampanya? Bakit kailangang magsinungaling at manira ng kapwa?
Hindi ba sapat ang galing at abilidad ng kandidato?
Hindi ba siya mananalo kung ipaliliwanag lang niya ang kanyang plataporma?
Kailangan ba talaga ang dirty tricks? Ipinagmamalaki mo pa ‘yung ginawa mong demolition job?
Hindi ba repleksyon ng iyong budhi ang black propaganda na ginagawa mo?
Paano yung mga taong pinagkaingatan talaga nila ang kanilang pangalan? Sisirain mo nang basta ganun na lamang?
Ilang biktima na kaya ang nagpakamatay dahil sa paninira ng kanilang pagkatao? Ilang pamilya na rin ang nasira dahil sa malisyosong paratang.
Kung sabagay, si Kristo nga, eh, mismong biktima ng mga sinungaling na nagpaparatang.
At kahit pa bumalik siya mula sa kamatayan ay andiyan
pa rin ang masamang gawaing ito.
Totoong ganyan talaga ang kalakaran. Pero bakit kailangan mong gawin? Kung labag sa iyong prinsipyo o pananampalataya, eh, bakit mo ginagaya?
Buti na lang mapalad ako dahil disente ang aking mayor at hindi siya ‘yung tipo na walang pakundangan sa paninirang puri para lang manalo.
Pero iba pa rin talaga ang masa-limuot na mundo ng pulitika. Ang bigat sa katawan – agaw lakas.
Nakaka-low batt.
Maaaring ituring ninyong panaginip, pero, hindi ba p’wede na baguhin natin ang kalakaran?
Kaso, hindi sapat ang managinip lamang. Dapat ay
kumilos tayo para mabago ang kalakaran.
Natural, handa dapat tayo sa anomang epekto ng ating aksyon.
Para mabago ang kalakaran sa pulitika, kailangan na may maglakas loob. Kailangan na may magsakripisyo.
Ano yon? Ayaw mong mawalan ng trabaho?
Ikaw talaga! Mortal sin ‘yang ginagawa mo. Magbagong buhay ka na.