HABANG sinasabi nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa kanilang mga magulang na wala na silang relasyong dalawa, patuloy naman ang palihim nilang pagkikita. Noong i-deny nilang hindi sila nagkita sa Europe ay pinaniwalaan sila dahil walang ibedensiyang ginawa nga nila ito.
Pero noong nakaraang buwan sa isang golf course sa Pasig ay kitang-kita sila ng mga fans na magkasamang naglalaro. Noong nakaraang linggo ay nag-bonding naman sila sa Boracay. Lasing na lasing pa raw itong si Andi habang nakatabi kay Jake at parang pusang naglalampong.
Ano kaya ang masasabi ni Ms. Laarni Enriquez at Jacklyn Jose sa kasinungalingan ng kanilang mga anak? Panibagong dakdadakan na naman ba ito ng magkabilang panig? Abangan!
***
Sophia Montecarlo nabiktima ng mga holdaper sa New York Cubao
ANG Dazzling Diva at kabilang sa representatives ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts noong 2010 kung saan nakamit niya ang mga awards na SILVER-Female Vocal Contemporary-18-24, SILVER-Female Vocal Latin-18-24, SILVER-Female Vocal Open-18-24 at BRONZE-Female Vocal Rock-18-24 na si Sophia Montecarlo ay nabiktima pala ng mga holdaper diyan sa E. Rodriguez avenue malapit sa New York, Cubao, Quezon city noong isang araw. Ito ang sumbong sa amin ni Daddy Dno Nibley, tatay ni Sophia. Sana raw mailabas namin sa dyaryo para maging aware ang lahat at hindi na mabiktima ng mga kawatang ito.
Narito ang mga pahayag ng magaling na singer: “I’ve been holdaped ngayong hapon lang po by 2 men, around 5:30pm at E. Rodriguez near in New York Cubao.
“They got my ipod touch and ring. Maybe someone will try to contact you guys please don’t answer back because it’s not me anymore. Thank God nothing happened to me.
“One of the holdaper try to put the knife on my stomach and get angry to the jeepney driver coz the driver try to help by driving faster. At first I don’t like to give it kasi it was a gift from my Papu and Grandpa nung birthday ko, but he told me, ‘Wag mo akong titigan kung ayaw mong masaktan’. I was wondering why they get my things coz hindi naman ako naglalabas ng ipod except I just put out my coin purse. Bigla na lang niyang binuksan ang bag ko and ayun na nga, after he get my ipod he hold my hand and get the ring.
“Bago ako sumakay sa may New York, Cubao in front of the drugstore, nakita ko na ‘yung 2 lalaki they are riding a motorcycle and they are looking at me, later on when the jeep arrived that’s the time na I don’t know where they came from bigla silang sumakay sa jeep too.
“Until now I’m a little bit shaking sa nangyari. Ingat na lang po tayo guys diyan sa E. Rodriguez. 2 men na ang built at medyo chubby ‘yung isa and moreno po ang itsura nila. God Bless po!”
Anyway, ayon naman kay Daddy Dno, ang pangalan ng driver ay si Roque Magayon Mangao. Siya ang may dala ng jeep na may plakang 542 at may rutang V.Luna-Cubao.
Marami daw pasahero pero ang anak lang niya ang kinuhaan ng gamit.
***
Vina Morales pusong bato sa sariling anak?
BILANG pagdiriwang sa nalalapit na Mother’s Day, isang tribute para sa mga nanay ang ihahatid ng award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na “Wansapanataym” ngayong Sabado (Mayo 11) tampok ang Kapamilya singer-actress na si Vina Morales. Sa espesyal na episode na pinamagatang ‘Mommy on Duty,’ gagampanan ni Vina ang papel ng ina ng batang si Topher (Yogo Singh).
Dahil sa pagmamaliit niya sa responsibilidad ng mga ilaw ng tahanan, naging isang robot ang nanay ni Topher na itinuturing na isang propesyonal na trabaho ang pagiging isang ina.
Pahalagahan na kaya ni Topher at ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang nanay kapag nawala na ang puso nito sa pag-aalaga sa kanila? Makasasama nina Vina at Yogo sa ‘Mommy on Duty’ sina Kean Cipriano, Jane Oineza, at Jon Lucas. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at sa direksyon ni Jerry Sineneng.
***
Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa 09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Mabalos!